EPT

Ilang buwan na ba ng huli akong magsulat sa libreng espansyo na ito sa world wide web? Hindi ko na matandaan. Wala kasi akong maisip na matinong paksa. Ayon sa mga kilalang blogger kailangan daw makuha ang kiliti ng mga mambabasa upang mapansin ang isang artikulo. Problema hindi ko talaga alam ang kiliti ng mga mambabasa. Niche daw ang tawag nito. Kaya nga walang dereksiyon ang mga artikulong sinusulat ko. Subalit noong nakaraang mga araw biglang bumukas ang pinto para sa akin…oportunidad para ipagpatuloy ang gusto kung gawin, ang pagsusulat.

Para sa pagbabalik ng anythingthathappen, napagpasyahan ko na tungkol sa edukasyon ang magiging paksa ng aking mga isusulat. Sa pamamagitan nito hindi lang mga estudyante ang matutulungan ko kung hindi pati na rin mga kapwa ko guro. Tutuo mabilis ang pagkua ng mga impormasyon sa internet pero walang kasiguruhan kung tutuo ang mga ito. Kung kaya minarapat ko na tutukan ang mga impormasyon makakatulong sa mga makabagong bayani…ang mga GURO. 

Usap-usapan ngayon saan ka man pumunta….lugar na madalas puntahan ng mga guro ang tungkol sa nagpapatuloy na rangking sa DepEd para sa mga gustong pumasok bilang teacher one o T1. Pero matipid ang mga inilalabas na impormasyon ng DepEd Camarines Sur para dito. Halimbawa, inilabas ang schedule para sa EPT pero hindi ang RQA o registry of qualified applicants. Malinaw sa Division Memorandum ang petsa ng EPT at kung saan ito gagawin subalit hindi makita ang RQA na dapat sana ay attachment sa memorandum. Kung ano ang dahilan sa pagkakawala ng RQA sa online portal ng DepEd Cam.Sur sila lang ang maaaring magpaliwanag. Sayang naman at hindi sinasamantala ng DepEd ang serbisyo ng internet. Internet ang pinakamabilis na paraan sa pagpapakalat ng impormasyon, isang pindot lang alam agad ang anunsiyo.

Siyanga pala, para sa hindi pa alam ang schedule ng EPT sa Cam.Sur batay sa Division Memo bilang 82 series of 2017 gagawin ang pagsusulit na ito sa darating na Abril 8-9 sa Rodriguez National Highschool sa bayan ng Pili. Kailangan lang na magdala ng lapis, ballpen, at papel ang isang examinee. Batay sa impormasyon, mayroong gagamiting answer sheet at test booklet sa EPT. Nakasentro sa reading and comprehension ang exam at mayroon ring subject-verb agreent… uri ng test na kadalasang ibinibigay sa mga aplikante sa isang trabaho. Maliban sa papel, lapis, at ballpen kailangan magdala ang mga aplikante ng mahabang pasensiya…101 percent mahaba ang pila. Kasama kasi sa EPT ang mga aplikante mula sa elementarya, junior highschool, senior highschool, at iyong mga aplikante noong 2015.

Tahanan

Tapos na ang halalan. Balik na rin sa normal ang buhay ng marami sa atin. Mayroong panalo at mayroon ring talunan. Mayroong nadaya at mayroon ding nandaya. Ganyan talaga…politika.
Malinaw para sa akin ang naging resulta ng eleksyon. Maaari ko itong ihalintulad sa isang tahanan. Isang tahanan na mayroong nakatirang mga anak at mga magulang.
Maaari nating sabihin na tayong mga botante ang mga anak at mga nanalong pangulo at pangalawang pangulo ang ating mga magulang. Malinaw na ang gusto ng maraming tao ay isang matatag na tahanan. Isang ama na tunay na haligi ng tahanan at isang ina na gagabay bilang ilaw ng tahanan. Si Rody Duterte ang haligi ng bansa at ang ating VP na si Leni ang ILAW NG TAHANAN.

image

Sampal sa Mukha

Isa sa mga bagay na hindi mo dapat gawin sa isang tunay na Pilipino ay ang sampalin sya sa kanyang mukha. Noong panahong ng ikalawang digmaang pandaigdig maliban sa baril pangalawa ang sampal sa mga “lethal weapon” ng mga mananakop na Hapones na ginamit sa maraming mga Pilipino. Ginamit ang sampal ng mga mananakop na Hapon upang ipaalam sa mga Pilipino na mabababang uri tayo ng tao. Subalit ang gawaing ito ng mga mananakop ay sumabog sa kanilang mga mukha. Imbes na matakot sa mga ito maraming mga Pilipino ang sumali sa mga guerilla. Dahil dito mas lalong lumakas ang pwersa ng mga Pilipino at alam na natin kung ano ang naging resulta nito. Hindi alam ng mga Hapon na mas gugustuhin ng mga Pilipino na barilin na lamang sila imbes na makatikim ng mga malulutong na sampal sa mukha. Itinuturing ng kultural Pilipino ang sampal bilang pag-alipusta sa kanilang pagkatao, at paginsulto sa kanilang dignidag bilang isang nilalang. Kaya nga kapag nanunuod tayo ng teleserye at sinampal ng kontrabida ang ating bida…gusto nating gumanti kahit hindi naman tayo kasama sa eksena. Bakit kaya ganyan ang ating reaksyon? Muli nating balikan ang unang bahagi ng sulating ito…nasa kultura natin ang pagkamuhi sa mga ganitong uri ng gawain. Sampalin kaya kita, anong gagawin mo?
Sa programang  Executive Session sa DZRH tuwing sabado sinabi ng host ng programa na si Atty. Teddyboy Locsin na ” A vote for Marcos is a slap in the face of the Filipino People.” Hindi natin masisi ang mama, isa sya sa mga naging saksi sa kalupitan ng rehimeng Marcos. Mabilis kung naintindihan kung bakit nasabi nya ang mga katagang iyon.
Malapit na ang halalan…sa araw ng lunes boboto ulit tayo. Mainit ang labanan lalo na sa pangalawang pangulo. Sa pinakahuling survey ng kapwa Pulse Asia at Social Weather Station lamang na ang tunay na pambato ng Bikol si Leni Robredo at nakasunod naman si Bobong Marcos. Sa pagkakataong ito, gusto ba nating masampal sa ating mga mukha oras na magkamali tayo sa pagsulat sa balota? Sino ang pipiliin mo? Ang kandidatong may tunay na pagmamahal sa bayan o kandidatong nagkukunwari lamang. Huwag na nating ibalik ang madilim na nakaraan at piliin ang makakatulong sa kinabukasan ng bayan. No to Marcos! No to Martial Law.

Aral ng Kasaysayan

A vote for Marcos is a slap in the face of the Filipino people….
                                Atty. Teddyboy Locsin
                                Executive Session
                                DZRH

Malayo-layo na rin ang narating natin bilang isang bansa makaraang mapatalsik ang mga Marcos sa Malakanyang. Ilang linggo na lang ang natitira muli na naman tayong maghahalal ng ating mga lingkod bayan. Sisirain ba natin ang lahat ng ating ipinakipaglaban at muling bumalik sa madilim na nakaraan? Matuto na tayo sa mga aral ng kasaysayan at magboto para sa mas matiwasay at maunlad na kinabukasan.

Marcos

A vote for Marcos is a slap in the face of the Filipino people…

                           Atty. Teddy Boy Locsin
                           Executive Session
                           DZRH

Tourrific: Part Two

Tahimik ang lahat. Siguro dahil mas mature na ng kaunti ang mga kasama sa tour ngayong araw. This time mga grade 9 at 10. Kahapon kasi mga grade 7 at 8 kaya medyo malikot pa ang mga estudyante.

Kanya-kanya ng ginagawa ang mga mag-aaral, mayroon nakikinig ng music sa cellphone samantalang ang iba ay naglalaro ng COC. Marami rin sa kanila ang kumakain na ng kanilang baong pagkain. Malas naman ng iba dahil sila ay may biyahilo. Matapos ang halos 40ng minuto ng biyahe narating na namin ang aming unang destinasyon.

First Stop
Penafrancia Sugarmill

image

Ang lugar na ito ay para sa mga sweet na tao. Kahit saan ka kasi tumingin ay may asukal. Dito ginagawa ang asukal galing sa mga malalawak na tubohan sa Camarines Sur. Paalala nga lang, bawal ang lugar na ito sa mga nerbiyuso. Makikita sa loob ng Sugarmill ang mga naglalakihang mga makinarya na ginagamit sa paggiling ng tubo. Sa labas naman ng Sugarmill makikita ang mga tanim na tubo. Mayroon rin makikita na mga naglalakihang equipment tulad ng mga crane at dambuhalang mga truck. Mukha rin itong set sa pelikulang Transformers.. para kasing buhay ang mga makinarya dito.

Second Stop
TESDA Regional Training Center

image

Ang TESDA ay isa sa mga magandang programa ng ating pamahalaan. Malaki ang naitutulong nito sa mga pamilyang hindi kayang ipadala ang kanilang mga anak sa kolehiyo. Dito tinuturuan ang mga estudyante ng ibat-ibat skills. Technical skills ang hinahasa dito, tulad ng automotive, electronics, at marami pang iba. Matatagpuan ang TESDA sa brgy. San Jose, Pili, Cam. Sur malapit lang sa Naga Airport sa bayan ng Pili.

Third Stop
Missionaries of Charity

image

Sa pagkakataong ito mga mag-aaral naman sa grade 9 at 10 ang pumunta sa bahay ampunan. Tulad ng nauna ibang eksperyensiya ang nakuha ng mga mag-aaral. Sinasabing marami ng alam ang mga bata ngayon…subalit sa totoo lang hindi lahat ay alam nila. Ang bahay ampunang ito ay matatagpuan sa lungsod ng Naga dito sa Bikol.

Fourth Stop
Naga City Ecopark

image

Masarap ang simoy ng hanging dito. Malayo rin sa ingay ng siyudad. Higit sa lahat nakakarelax ang kapaligiran. Walang kapantay ang kasiyahan kapag ang kalikasan ang tourist spot na pupuntahan. Mararating ang parkeng ito sa pamamagitan ng bus kung malayo ang inyong pinanggalingan. Kung ikaw naman ay nasa Naga City lamang mararating mo ito sa pagsakay sa Jeep at pribadong sasakyan.

Fifth Stop
Mariners Polytechnic Colleges- Canaman Cam. Sur

image

Isa itong maritime school. Matatagpuan ito sa bayan ng Canaman Cam. Sur. Iba- ibang kurso ang ibinibigay dito. Simula ng buksan ito, lumaki ng lumaki ang campus ng paaralan ito. Enjoy naman ang mga bata sa tour. Maraming makikita dito…tulad ng totoong lifeboat. Yup, tulad ng ginamit sa pelikulang Capt. Philips ni Tom Hanks..kulay orange. Tuwang-tuwa naman ang mga bata sa simulation room para sa isang barko.

Ang Pagbabalik
Buhi, Cam. Sur

image

Dito makikita ang majestic na Lake Buhi. Dito sa Buhi matatagpuan ang sinarapan…smallest edible fish sa mundo. Matatagpuan rin sa Buhi ang Mt. Asog. Higit sa lahat dito nakatira ang mga pinakamabait na tao sa mundo.

Tourrific

Nang ipaalaman sa mga mag-aaral ang itinerary ng kanilang tour para sa taon na ito kakaibang reaksyon ang makikita mo sa kanilang mga mukha. May mga natuwa at ang ilan naman ay sumimangot. Wala kasi sa listahan ang paborito nilang destinasyon….ang mall. Ngayong taon kakaiba ang educational tour, totoong educational tour. Tour na may matututunan ang mga mag-aaral. Iba na kasi ang tour ngayon. Maraming mga eskwelahan ang nakukuntento na lang sa pagpunga sa SM. Wala namang educational value para sa mga estudyante.

Habang naririnig sa background ang kantang Libre Lang Mangarap, papalapit na kami sa unang pupuntahan. Makikita na rin ang excitement sa mukha ng mga mag-aaral. Hindi nila alam ito ang tour na babago sa kanilang buhay estudyante.

First Stop
Daughter’s of Charity

image

Matatagpuan sa lungsod ng Naga sa Bikol. Matagal na ang institusyong ito dito sa Naga. Pinapatakbo ito ng mga madre. Sila ang kumakalinga sa mga inabandunang bata at mga kinalimutang mga matatanda. Dito makikita ng mga bata ang reyalidad ng buhay. Ang alam nila puro saya at cellphone ang buhay. Inabot kami ng kalahating oras sa naturang bahay ampunan.

Second Stop                                       Metropolitan Cathedral Museum

image

Para sa mga hindi ito alam ang museum na ito ay makikita sa loob ng Holy Rosary Minor Seminary. Dito makikita ang mga sinaunang mga religious items. Magandang bisitahin para sa mga mag-aaral. Bibihira lang ang mga taong nakakaalam nito, pero maraming mga items dito na panahon pa ng mga Kastila. Majority nga lang ng mga makikita dito ay galing sa bayan ng Buhi.

Third Stop
Naga City Ecological Park

image

Limang minuto mula sa centro ng Naga City matatagpuan ang parkeng ito. Isa itong nakatagong paraiso. Makikita sa park ang mga naglalakihang puno tulad ng manga, santol, star apple, star fruit, at marami pang iba. Nakakabighani rin ang mga bulaklak dito. Ibat-ibat uri ng bulaklak. Maganda ang lugar na ito, lalo na sa isang ciudad na tuloy-tuloy ang pagasenso. Kung gusto mong takasan ang nakakahilong buhay sa ciudad ito ang magandang puntahan.

Fourth Stop
Basilica Minore

image

Matatagpuan pa rin sa lungsod ng Naga Heart of the Bicol Region, isa ito sa mga sentro ng religious festivities sa dakong ito ng bansa. Ang alam lang ng maraming estudyante ay ang Traslacion Procession, pero hindi nila alam kung saan ang tahanan ng Our Lady of Penafrancia ang patron ng Bikolandia. Malapit din ito sa Naga River, kung saan ginaganap ang kilalang fluvial procession kabahagi ng Penafrancia Fiesta tuwing buwan ng Septiyembre.

Fifth Stop
Raul S. Roco Museum/ Library

image

Si Raul Roco ay kilalang pulitiko sa bansa. Ipinangalan sa kanya ang museum na ito. Makikita sa museum ang koleksyon ng mga paboritong gamit ng namayapang senador. Mayroon ding mga libro at iba pang babasahin.

Sixth Stop
Naga City Science Centrum

image

Ilang metro lang ang layo sa city hall ng Naga City, ang pasilidad na ito ay sponsored ng DOST, magandang pasyalan ito ng mga bata. Naipapakita dito ang aplikasyon ng mga natutunan nila sa science. Interactive din ang mga exhibit dito na puwedeng paglaruan ng mga estudyante.

Seventh Stop
Cam. Sur Watersports Complex

image

Isa sa mga nangungunang destinasyon ng mga turista mula sa ibang bansa. Makikita dito ang wakeboarding park. Pawang mga dayuhan ang naglalaro dito, hindi naman kasi uso sa mga Pinoy ang wakeboarding. Para sa mga tulad naming namamasyal lang OK na ito.