Mapaglarong Mag-aaral

Marami sa atin ang nagsasabi na ang pagkakaroon ng isports ng ating mga estudyante ay istorbo lang sa kanilang pag-aaral. Kadalasan ang paglalaro ng basketbol o ano pa mang uri ng isports ang sinisisi sa mababang grado ng mga mag-aaral. Minsan ngang mayroong nakapagsabi sa akin…bakit ba kayo sasama sa palarong iyan…hindi naman ang pagkakaroon ng malaking tropeo o pagiging kampeon ang dadalhin ng mga bata sa kolehiyo…ang pagkakaroon ng matataas na grado! Hindi na lang ako umimik. Alam ko hindi niya alam ang kanyang sinasabi.

Bilang isang dating manlalaro, alam ko ang mga magagandang naidulot sa akin ng pagkakaroon ko ng isports(basketball). Maraming bagay akong natutunan dito. Hanggang sa ngayon nagagamit ko ito sa aking buhay bilang isang ama, asawa, at guro.

Ano-ano nga ba ang mga magagandang bagay ang maaaring makuha sa pagkakaroon ng isports ng isang estudyante? Ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ay isa lang sa mga magandang epekto ng isports sa mga kabataan. Marami akong nakikita na mga lolo at lola natin o maging ng mga magulang natin ang nag-eehersisyo kung hindi man araw-araw ay tatlong beses sa isang lingo. Pero ginagawa nila ito ngayong matanda na sila. Noong kabataan nila baliwala sa kanilang ang pag-eehersisyo. Kung kailan mayroong ng sakit…saka pa lamang naisipang mag-exercise. Mahalaga ang pagkakaroon ng isports ng mga kabataan. Sabi ko nga, aanhin mo ang mataas mong grado kung palagi ka namang may hika, sipon, at trangkaso.

image

Ayon sa website na Livestrong.com maraming benepisyo ang pagsali ng mga kabataan sa isports, lalo na sa team sports tulad ng volleyball at basketball. Tataas ng 41% ang posibilidad na makapagtapos ng kolehiyo ang isang estudyante at makahanap ng trabaho. Maliban dyan, tataas ang self-esteem ng mga bata. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili, bagay na kung minsan hindi naituturo sa loob ng apat na sulok ng klasrum. Ang mga mag-aaral na sumasali sa isports ay natututo rin ng mga kretikal na social skills. Natuturuan sila na makisalamuha sa kapwa nila mga bata, hindi tulad ngayon na cellphone at tablet ang palaging nilang kasama at hindi na marunong makipaglaro. Importante sa mga kabataan ang magkaroon ng mga kaibigan. Ayon naman sa ginawang pag-aaral sa University of South Carolina at Pennsylvania State University sa 9,700 na mga highschool sa bansang Amerika ang mga mag-aaral nito na sumali sa ano mang uri ng isports ay nagtagumpay hindi lang sa laro kundi pati na sa loob ng klasrum. Sinabi naman ni Matthew Irvin Assistant Prof. ng Dept. of Educational Studies ng Univ. of South Carolina na ” team sports is significantly related to higher grade point average & a higher likelihood of completing highschool and enrolling in college.” Dagdag pa nito,”sports allows you to develop a mentoring relationships w/adults & with positive school-oriented peers. Maraming mabuting naidudulot ang isports sa buhay ng isang mag-aaral. Marami ng libro at website na ginawa para patunayan ito. Isa rin sa tumatak sa isipan ko ay ang artikulo na naisulat sa Grown & Flown na isa ring blog site. Sinabi sa artikulo na ang masamang epekto ng isports sa kabataan ay siya ring magandang epekto nito sa kanyang pagkatao. Halimbawa, hindi ipinasok ng coach ang kanyang manlalaro sa buong laro (bangko). Ito ay upang ipaalala sa player na kailangan niyang magsunod sa patakaran ng team o mag-insayo ng mabuti. Malaki ang impact nito sa bata. Gagawin niya itong motibasyon upang pag-igihan pa ang kanyang laro. Kung uubusin ko ang mga magagandang epekto ng isports sa mga kabataan mauubusan tayo ng ispasyo dito.

Maganda ang naidudulot ng isports sa atin. Mas marami ang positibong dala nito kumpara sa negatibo. Ang isports ang magdadala sa atin sa ating tagumpay, dagdagan pa natin ng pag-aaral at pagdarasal. Ikaw anong isports mo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s