BALIW

Baliw ka ba? Sino kaya ang tunay na baliw? Pag nagsasalita ba ng mag-isa ang isang tao ay wala siya sa katinoan. Iyon kayang mama sa kanto na madungis o taong grasa maaari ba siyang tawaging baliw? Eh, iyong pumapatol sa baliw totoo bang siya ang tunay na baliw?

Diksiyonaryo
Ayon sa diksiyonaryo, ang salitang baliw ay nangangahulugang luko-luko, sira ang ulo,  at hibang o wala sa hustong kaisipan. Medyo komplikado nga lang na talakyin ang kahulugan ng salitang baliw. Lumalabas na mismong ang kahulugan ay kailangan ring hanapan ng kahulugan. Nakakabaliw! Tulad ng salitang luko-luko o ng salitang hibang na kailangan mo ring alamin ang kahulugan upang lubos na maiintindihan ang salitang baliw. Nakakatawa ring isipin na para bagang totoo na ang taong pumapatol sa baliw ay isa ring baliw. Paano ko ito nasabi.  Lumalabas kasi na wala sa hustong kaisipan ang taong hindi makaintindi sa pinagdadaanan ng taong baliw.

Siyensiya
Naniniwala at nag-kakaisa ang maraming mga dalubhasa sa pag-aaral ng ating utak na katiting na porsiyento pa lang ng ating utak ang napag-aralan na. Sa modernong panahon unti-unti ng naipapaliwanag kung paano umaandar ang utak ng tao. Malinaw na ito ang CPU o central processing unit ng ating katawan. Kabaliktaran sa matagal ng paniniwala na ang puso ng tao ang komokontrol sa lahat nating ginagawa. Kaya nga kung bigla kang na-inlove sa matalik mong kaibigan huwag sisihin ang iyong puso. Kagagawan iyan ng matigas mong ulo. Kumakailan lang sinabi ng mga siyentipiko na seryoso nilang pinag-aaralan ang sixth sense. Kakayahan ng utak ng tao na malaman ang mangyayari sa hinaharap. Nakakabaliw di ba? Kung totoo nga ito ito na ang sagot sa lahat nating problema. Maaari na nating takasan ang pala-utang nating kaibigan. Subalit, paano at bakit kaya nababaliw ang isang tao. Maaari daw itong namamana o kung hindi naman ay epekto ng hindi magandang kapaligiran. Genes o environment. Kaya nga mahalaga ang pagkakaroon ng magandang samahan sa loob ng pamilya at matinong kapaligiran para makaiwas sa problema sa utak.

Kabaliwan
Bawat isa sa atin ay mayroong itinatagong kabaliwan.
Nakakagawa ng mga bagay na hindi dapat natin ginawa kahit alam nating mali ito. Pag walang nakatingin sa atin, bigla tayong nababaliw. Kapag walang pulis tumatawid tayo sa maling tawiran. Kapag nahalal na sa puwesto, biglang hindi na makakilala. Nakakabaliw di ba? Kung mag-isa sa banyo, biglang kumakanta…sabay kumpas ng mga kamay, na may kasamang ekspresyon sa mukha. Kung ating babalikan ang kahulugan ng salitang baliw…lumalabas na ang pagkanta ng mag-isa sa banyo ay kabaliwan…ang pagtawid sa maling tawiran ay kahibangan dahil gusto ng masagasaan…ang pagiging makalimutin..wala sa katinoan. Ang mga taong nakikita natin na tumatawa at nagsasalita ng mag-isa agad nating kinokutya at tinatawag na baliw. Kung ikaw ba ay nagsasalita ng mag-isa o nagcoconcerte sa banyo hindi ba kabaliwan din ito?

Konklusyon
Mahirap sabihin kung sino ang tunay na baliw. Ang mga taong “normal” ay nabubuhay sa ibang mundo…ibang-iba sa mundo ng mga “hindi normal.” Hindi natin masabi baka sa isip ng mga baliw tayo ay isa ring baliw. Kakatuwa ang mga ginagawa. Nagtatrabaho ng walong oras upang yumaman…ang kanyang amo. Inaabangan ang pasko…upang kahit isang araw lang maging mapagbigay sa kapwa tao. Lahat tayo ay may itinatagong kabaliwan. Bagay na ayaw nating pag-usapan..dahil sa mapanghusgang lipunan. Subalit sa mundong ating ginagalawan…minsan, nakakagawa tayo ng KABALIWAN.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s