Tourrific

Nang ipaalaman sa mga mag-aaral ang itinerary ng kanilang tour para sa taon na ito kakaibang reaksyon ang makikita mo sa kanilang mga mukha. May mga natuwa at ang ilan naman ay sumimangot. Wala kasi sa listahan ang paborito nilang destinasyon….ang mall. Ngayong taon kakaiba ang educational tour, totoong educational tour. Tour na may matututunan ang mga mag-aaral. Iba na kasi ang tour ngayon. Maraming mga eskwelahan ang nakukuntento na lang sa pagpunga sa SM. Wala namang educational value para sa mga estudyante.

Habang naririnig sa background ang kantang Libre Lang Mangarap, papalapit na kami sa unang pupuntahan. Makikita na rin ang excitement sa mukha ng mga mag-aaral. Hindi nila alam ito ang tour na babago sa kanilang buhay estudyante.

First Stop
Daughter’s of Charity

image

Matatagpuan sa lungsod ng Naga sa Bikol. Matagal na ang institusyong ito dito sa Naga. Pinapatakbo ito ng mga madre. Sila ang kumakalinga sa mga inabandunang bata at mga kinalimutang mga matatanda. Dito makikita ng mga bata ang reyalidad ng buhay. Ang alam nila puro saya at cellphone ang buhay. Inabot kami ng kalahating oras sa naturang bahay ampunan.

Second Stop                                       Metropolitan Cathedral Museum

image

Para sa mga hindi ito alam ang museum na ito ay makikita sa loob ng Holy Rosary Minor Seminary. Dito makikita ang mga sinaunang mga religious items. Magandang bisitahin para sa mga mag-aaral. Bibihira lang ang mga taong nakakaalam nito, pero maraming mga items dito na panahon pa ng mga Kastila. Majority nga lang ng mga makikita dito ay galing sa bayan ng Buhi.

Third Stop
Naga City Ecological Park

image

Limang minuto mula sa centro ng Naga City matatagpuan ang parkeng ito. Isa itong nakatagong paraiso. Makikita sa park ang mga naglalakihang puno tulad ng manga, santol, star apple, star fruit, at marami pang iba. Nakakabighani rin ang mga bulaklak dito. Ibat-ibat uri ng bulaklak. Maganda ang lugar na ito, lalo na sa isang ciudad na tuloy-tuloy ang pagasenso. Kung gusto mong takasan ang nakakahilong buhay sa ciudad ito ang magandang puntahan.

Fourth Stop
Basilica Minore

image

Matatagpuan pa rin sa lungsod ng Naga Heart of the Bicol Region, isa ito sa mga sentro ng religious festivities sa dakong ito ng bansa. Ang alam lang ng maraming estudyante ay ang Traslacion Procession, pero hindi nila alam kung saan ang tahanan ng Our Lady of Penafrancia ang patron ng Bikolandia. Malapit din ito sa Naga River, kung saan ginaganap ang kilalang fluvial procession kabahagi ng Penafrancia Fiesta tuwing buwan ng Septiyembre.

Fifth Stop
Raul S. Roco Museum/ Library

image

Si Raul Roco ay kilalang pulitiko sa bansa. Ipinangalan sa kanya ang museum na ito. Makikita sa museum ang koleksyon ng mga paboritong gamit ng namayapang senador. Mayroon ding mga libro at iba pang babasahin.

Sixth Stop
Naga City Science Centrum

image

Ilang metro lang ang layo sa city hall ng Naga City, ang pasilidad na ito ay sponsored ng DOST, magandang pasyalan ito ng mga bata. Naipapakita dito ang aplikasyon ng mga natutunan nila sa science. Interactive din ang mga exhibit dito na puwedeng paglaruan ng mga estudyante.

Seventh Stop
Cam. Sur Watersports Complex

image

Isa sa mga nangungunang destinasyon ng mga turista mula sa ibang bansa. Makikita dito ang wakeboarding park. Pawang mga dayuhan ang naglalaro dito, hindi naman kasi uso sa mga Pinoy ang wakeboarding. Para sa mga tulad naming namamasyal lang OK na ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s