Tourrific

Nang ipaalaman sa mga mag-aaral ang itinerary ng kanilang tour para sa taon na ito kakaibang reaksyon ang makikita mo sa kanilang mga mukha. May mga natuwa at ang ilan naman ay sumimangot. Wala kasi sa listahan ang paborito nilang destinasyon….ang mall. Ngayong taon kakaiba ang educational tour, totoong educational tour. Tour na may matututunan ang mga mag-aaral. Iba na kasi ang tour ngayon. Maraming mga eskwelahan ang nakukuntento na lang sa pagpunga sa SM. Wala namang educational value para sa mga estudyante.

Habang naririnig sa background ang kantang Libre Lang Mangarap, papalapit na kami sa unang pupuntahan. Makikita na rin ang excitement sa mukha ng mga mag-aaral. Hindi nila alam ito ang tour na babago sa kanilang buhay estudyante.

First Stop
Daughter’s of Charity

image

Matatagpuan sa lungsod ng Naga sa Bikol. Matagal na ang institusyong ito dito sa Naga. Pinapatakbo ito ng mga madre. Sila ang kumakalinga sa mga inabandunang bata at mga kinalimutang mga matatanda. Dito makikita ng mga bata ang reyalidad ng buhay. Ang alam nila puro saya at cellphone ang buhay. Inabot kami ng kalahating oras sa naturang bahay ampunan.

Second Stop                                       Metropolitan Cathedral Museum

image

Para sa mga hindi ito alam ang museum na ito ay makikita sa loob ng Holy Rosary Minor Seminary. Dito makikita ang mga sinaunang mga religious items. Magandang bisitahin para sa mga mag-aaral. Bibihira lang ang mga taong nakakaalam nito, pero maraming mga items dito na panahon pa ng mga Kastila. Majority nga lang ng mga makikita dito ay galing sa bayan ng Buhi.

Third Stop
Naga City Ecological Park

image

Limang minuto mula sa centro ng Naga City matatagpuan ang parkeng ito. Isa itong nakatagong paraiso. Makikita sa park ang mga naglalakihang puno tulad ng manga, santol, star apple, star fruit, at marami pang iba. Nakakabighani rin ang mga bulaklak dito. Ibat-ibat uri ng bulaklak. Maganda ang lugar na ito, lalo na sa isang ciudad na tuloy-tuloy ang pagasenso. Kung gusto mong takasan ang nakakahilong buhay sa ciudad ito ang magandang puntahan.

Fourth Stop
Basilica Minore

image

Matatagpuan pa rin sa lungsod ng Naga Heart of the Bicol Region, isa ito sa mga sentro ng religious festivities sa dakong ito ng bansa. Ang alam lang ng maraming estudyante ay ang Traslacion Procession, pero hindi nila alam kung saan ang tahanan ng Our Lady of Penafrancia ang patron ng Bikolandia. Malapit din ito sa Naga River, kung saan ginaganap ang kilalang fluvial procession kabahagi ng Penafrancia Fiesta tuwing buwan ng Septiyembre.

Fifth Stop
Raul S. Roco Museum/ Library

image

Si Raul Roco ay kilalang pulitiko sa bansa. Ipinangalan sa kanya ang museum na ito. Makikita sa museum ang koleksyon ng mga paboritong gamit ng namayapang senador. Mayroon ding mga libro at iba pang babasahin.

Sixth Stop
Naga City Science Centrum

image

Ilang metro lang ang layo sa city hall ng Naga City, ang pasilidad na ito ay sponsored ng DOST, magandang pasyalan ito ng mga bata. Naipapakita dito ang aplikasyon ng mga natutunan nila sa science. Interactive din ang mga exhibit dito na puwedeng paglaruan ng mga estudyante.

Seventh Stop
Cam. Sur Watersports Complex

image

Isa sa mga nangungunang destinasyon ng mga turista mula sa ibang bansa. Makikita dito ang wakeboarding park. Pawang mga dayuhan ang naglalaro dito, hindi naman kasi uso sa mga Pinoy ang wakeboarding. Para sa mga tulad naming namamasyal lang OK na ito.

Advertisements

Sorrytoriables: Eleksyon 2016

Mga kandidato na hindi dapat manalo sa senado

image

1. Alma Moreno
Kailangan pa bang ipaliwanag? Naaalala nyo pa ba ang panayam sa kanya ni Karen Davila? Palpak. Eh, iyong pagbati nya kay Miss Universe Pia Cayetano! He he.. Pwede pa bang magdiklara ng nuisance candidate? Kung hindi na…baka pwedeng nonsense candidate na lang.

2. Manny Pacquiao
Tulungan nating matalo sa halalan ang ating idol. Medyo malabo nga lang, suntok sa buwan. Sigurado kasing mananalo si idol. Anyway, huwag nating hayaan ang Pambansang Kamao na ipahiya nya ang kanyang sarili sa senado. Sayang naman ang ilang dekada nyang sakripisyo upang maging Manny Pacquiao. Hindi naman sa pagmamaliit…paano kaya siya makikipagdebate kay Sen. Miriam Defensor  Santiago. Wait, si Cong. PacMan nga pala ang may pinakamaraming absent sa kongreso!

3. Migz Zubiri
Tanongin muna natin si Sen. Koko Pimentel kung gusto nyang makasama sa senado si Migz Zubiri. Naaalala nyo pa? Kahit natalo sa eleksyon si Zubiri nakaupo sa senado. What! Bawal ang mandaraya sa senado.

4. Gen. Getolio Napenas
Bakit ko itataya ang buhay ng milyong Pilipino sa mamang ito. Totoo malaki ang sakripisyo nya sa bayan bilang commando. Pero, malaki rin naman ang sakripisyo para sa bayan ng ibang propisyon tulad ng titser ang driver o OFW. Kung hindi nya kayang hawakan ng maayos ang isang kumpanya ng pulis, bakit ititiwala natin sa kanya ang buong bansa.

5. Tito Soto
Eat Bulaga! Mula Batanes hanggang Jolo huwag na siyang iboto. Tama na ang kalye serye sa senado. Ano bang kapaki-pakinabang na batas ang naipasa ng mamang ito? Isang salita lang….PLAGIARISM.

Bawal na Regalo

It’s the thought that counts. Iyan kadalasan ang bukang bibig sa kaliwat-kanang Christmas party ngayon. Hindi pa man dumarating ang buwan ng pasko naikot na natin ang mga mall para maghanap ng panregalo. Damit, gadget, chocolate, at kung ano-ano pa. Yung iba nga napadpad pa sa Divesoria para makahanap ng regalo sa kanyang manito at manita.  Pero ang tanong, inalam mo ba kung ano ang gusto at interes ng inyong pagreregaluhan? Malamang hindi. Sa panahong nag-iikot at namimili ka ang tanging bagay na nasa isip mo ay ang iyong pera… kung nasa badyet ka pa. 

Naalala mo ba noong bata ka pa, niregaluhan ka ng kaklase mo ng laruang pambabae kahit na ikaw ay isang lalaki? Pag-uwi mo sa bahay iiyak ka sa harap ng iyong ina…na hindi rin alam ang gagawin kung iiyak din o tatawa. Masakit hindi ba? So, upang hindi na ito mangyari gumawa ako ng listahan ng mga regalo na hate matangap ng mga manita at manito. Huwag iismolin… ang listahan ay batay sa simpleng survey na ginawa ko sa aking mga kakilala, kaibigan, at estudyante.

Top 10
1.medyas
2. panyo
3. salamin
4. suklay
5. payong
6. pitaka
7. wall clock
8. kalendaryo
9. underwear
10. face towel/tuwalya

Ipinapakita sa listahan sa itaas na ang pagbibigay ng regalo ay hindi lang dapat isang simbolo…simbolo ng pagbibigayan at pagmamahalan. Kailangan ring may praktikal na dahilan. Bakit ka magreregalo ng panyo alam naman nating lahat na marami tayong nakatago niyan sa aparador. Hindi naman kaya medyas… na matapos mong gamitin ng isa o dalawang beses ay nawala na parang bola. Kalendaryo…libre lang ito sa tindahan ni Ching Lo…pati na sa pulitiko. Kaibigan… bago ka bumili ng regalo para sa inaanak mo, katrabaho, manita, at manito tandaan lang ang listahan…mga regalong ayaw matangap sa kapaskuhan.

Nangungunang kurso sa kolehiyo.

Itoy totoong pangyayari:
Nag-uusap ang mag-ina tungkol sa sr. highschool
Nanay-  O, anak may napili ka na bang track na kukunin sa senior highschool?
Anak- Mayroong na po nay-..
Ina- Anong track ba ito nak?
Anak- FD…
Ina- Anong FD yan nak baka hindi natin yan kaya?
Anak- Fish Dealer Truck…nay..ki Tay Amboy.

image

Sa totoo lang huwag nating pangunahan kung ano man ang pangarap ng ating mga anak. Pagdating ng araw hindi naman pangarap mo bilang magulang ang mahalaga. Importante na kung ano man ang pangarap nila sa hinaharap ay dapat nating suportahan. Darating ang panahon na magiging matagumpay sila dahil gusto nila ang kanilang ginagawa sa buhay.
Subalit ano-ano nga ba ang mga nangungunang kurso sa Pilipinas? Alin kaya dito ang dapat kunin ng ating mga anak? Ayon sa datos ng gobyerno may mga kurso sa kolehiyo na dapat kunin ng mga kabataan.

TOP 5
1. Agriculture & related fields
2. Engineering
3. Science & Math
4. Information technology
5. Teacher education

Hindi naman nakapagtataka na agriculture ang nangunguna, malaking porsiyento ng ating bansa ang nakadepende sa sektor na ito. Marami akong kakilala na agad-agad nakakakuha ng trabaho dahil tapos sila ng kurso na may kinalaman sa agrikultura. Pero, uulitin ko hayaan natin ang ating mga anak na kumuha ng kurso na angkop sa kanilang kakayahan at gusto nila.

Tanghali Na

Ika-apat pa lang ng umaga halos gising na ang lahat ng tao sa aming barangay. Hindi uso dito ang tinatanghali ng gising. Ganyan ang buhay ng marami sa amin dito. Simula ng magkaisip ako hanggang sa kasalukuyan maagang gumigising ang mga taga rito sa amin. Tipikal na farming at fishing community. Bawal kasi ang tamad. Sabi nga, early birds catches worms. Kung tanghali ka na gigising wala ka nang aabutin. Kaya siguro ganito ako, maaga rin kung gumising. Iyan kasi ang nakita at natutunan ko sa aking  mga magulang.

image

Biglang Prefect of Student ng aking pinagtatrabahuhang paaralan isa sa mga trabaho ko ay ang i-monitor ang bilang ng tardy ng isang estudyante. Tumataas ang bilang ng mga estudyanteng nahuhuli sa pagpasok sa pagitan ng mga buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero. Ang mga sumusunod naman ay mga kadalasan at gasgas ng dahilan ng pagkakahuli nila sa pagpasok.

Top 5
5- family problem
4- help prepare for breakfast
3- vehicular breakdown
2- doing homework
1- overslept

Ginawa na rin ang lahat upang masolusyunan ang problemang ito. Subalit nariyan pa rin ang suliranin. Epekto ba ito ng pagpapaniwala sa marami sa atin ng kasabihang: ” It’s better late than never.” Hindi dapat ipinapamukha sa mga bata na walang mali sa pagiging huli nila sa pagpasok sa paaralan. Malaki ang epekto nito sa ating lahat…sa buhay natin…sa pamilya..sa bansa. Epekto na maaaring hindi na magamot pa!

Bilang isa ring magulang ayaw kung maging gawain rin ito ng aking anak. Grade three na siya ngayon, pero ayaw niyang nahuhuli sa pagpasok sa paaralan. Ayaw nya kasing gawing taga pukpok ng bell ng kanilang paaralan na gawa pa sa napakalaking rim ng gulong ng ten wheeler truck. Paano nga ba makakaiwas ang ating mga anak, kapatid, at kaklase sa pagiging huli sa pagpasok sa paaralan? Tulungan natin sila. Ayaw naman siguro natin na kutyain sila at tawaging… si THE LATE  Mr. _________ at THE LATE Miss _______. Kung ikaw ang tatanongin ano ang PINAKABEST na dapat gawin upang matulungan natin sila? Malaya po kayong mag post ng comment sa blog na ito. Malaki po ang maitutulong ninyo sa maayos na paglaki ng ating mga kabataan. Salamat po.

Note: Mag-isip po ng kakaibang solusyon. Halimbawa, sabuyan ng malamig na tubig upang magising.